Friday, May 7, 2021

sasabog yata

 ang utak ko taena. 

nagagalit ako pero wala akong makausap. pag kinausap ko yung concerned, maiiyak lang ako. at ayokomg umiyak. maraming mas importanteng bagay ang dapat bigyan ng panahon. hindi kasama ang pag-iyak dun.

in other news, hello, buhay pa pala itong blog na 'to. buti na lang. ibig sabihin, hindi ko kailangang mag-umpisa ng bagong blog para makaputok ang butsi ko. which brings me to the question: ano ba talagang ibig sabihin ng butsi? ba't di ko nga naman i-google, diba? nasa internet naman ako. pero mamaya na lang. busy pa akong maghimutok. let me be. it's my blog, and i'll rant if i want to.

in other news, 2021 na. mahigit isang taon na mula nang mag-grand entrance ang covid sa mundo. ibig sabihin mahigit isang taon na kaming nakakulong, by choice din most of the time kasi may dalawa akong chikiting (na punyeta hindi tumitigil sa pag-aaway) at isang senior citizen na kasama sa bahay na ayaw kong mabigyan ng sakit.

natatae ako. yung almusal kong sinangag mejo hindi maganda ang iniwang aftertaste so nagsipilyo ako. kaya gusto ko mang magkape, mamaya na lang kasi ang off ng magiging lasa sa bibig ko. ay sorry ang layo ng hininga sa tae. pero yun, natatae ako. tatae na ba ako? 

taena sana pwede na lang itae yung nararamdaman mong hindi maganda. isang flush lang (o kahit walang flush at kailangan mong baldehin ang pagbuhos ng tubig para lumubog yung tae, keri na), ginhawa galore. mas maganda siguro ang mundo. mas masaya. mas konti ang assholes.

pero yun naman ang paradox ng buhay, diba? di mo mararamdaman yung sukdulang saya kung hindi ka pa nakaramdam ng sobrang lungkot. hindi mo mararamdaman yung sobrang ginhawa kung hindi ka pa nalagay sa taenang sitwashon na hindi ka talaga komportable. 

siguro mejo nahimasmasan nako sa kakasalita dito. sana wag na lang akong mang-away ng anak o sinuman pagkatapos dito. 

natatae na talaga ako. yun muna ang aatupagin ko. mas mabilis sumabog pwet ko kesa sa ulo ko kaya uunahin kona muna yun. kailangang sundan si maslow; basic need muna tulad ng pagtae ang ifulfill bago pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng utak.


peace out.


Tuesday, November 20, 2018

ehrmehgerhd

kumusta naman yun, nakapagsulat ulit ako dito after two years hahaha. how are you as a person, pakdatshit. well, well, well, gusto ko lang ipaalam sa universe na i am in between writing gigs now keshe keshe antamad ko. so waley, naghahanap lang ako ng bagong kliyente na pwedeng magoyo pagbentahan ng aking serbisyo. 

sa totoo lang, naurat nako sa aking buhay bilang article writer. akala ko noon, keri ko. pero pagkatapos ng mala-factory kong writing stint kay rudibeks, hindi ko kineri. iniwan ko siya for skatberi na nagbayad ng 3x more that rudibeks, pero gusto pala niya ay eventully maging kasapi ako ng website nya na hindi naman masama, pero aykenat because i was only doing it for the money - but isn't that the f*cking point? (shet napapa-ingglesh ako pag galit, sarreh)

eh najinx yata ako ni skatberi, so nang iwan ko siya, naging matumal ang pasok ng pera sa paypal ko (bigay ko sayo paypal address ko kung gusto mo akong bigyan ng pera, just comment your email address here). at nung mga pitumbwan na ang ikalawang junakis sa tiyan ko (yes, may bago na, o di ba?), tinamad na akong tuluyan at hindi na ako nagsulat muli, maliban na lang sa occasional na 100-word website summaries na hinihingi ni alangkun (na natabunan na rin ata ng lupa kasi hindi na nagpaparamdam).

essentially, ang sinasabi ko lang ay: HELP. someone give me a writing gig that pays, and pays well. ilang ulit na rin akong nag-attempt sa isip ko na maging content creator chena, but i just don't have it in me o baka tamad lang talaga ako, potah. kasi naman ang hirap magkaroon ng organic everything - readers, followers, viewers, etc. alam ko pinaghihirapan yun, na kailangan mong mag-stock ng content para maka-gain ng followers, pero wala akong oras. AY JES DOWNT HEB DA PAKING TAYM. walang oras para maghintay, dahil AY NID DA MANI RAYT NOW, TENKYUBERIMATS.

pero sino nga bang makapagsasabi? baka merong mga tao jan na makakabasa nito na natutuwa pala sa mga ganitong kagaguhan, so hit me up. i can write trash like this for you, or i can give you compelling content na pedeng makipagsabayan internesheneli. shempre tama ang spelling ko at maayos ang grammar - hindi naman siguro ako makakapagsulat ng 3 years or more kung obobs ako.

ayun. basta penge ng tarbaho. aykentpramis tu nat bi tamad, bat ay wil du may best, cheret.

Friday, July 8, 2016

waaaahhhh

tinatamad akoooooooo

update:

4 articles done,
15 more to go.

i have 20 hours, pakdatshit.

sus

nasayang na naman ang oras. napagkatihan ko kasing i-customize ang ichura netong blog. ampangit din naman ng labas, har.

dapat kasi mag-a-update lang ako ng post. ngayon di ko na alam tungkol saan ba yung gusto kong isulat kanina. babalik na lang ako pag naalala ko na. lekat.

Thursday, July 7, 2016

eh

tinatamad pa rin akong magsulat...asan na ang Muse ko? lalabas ba siya pag sinayaw ko ito?



eto ang orig, para mas maappreciate mo kung sino ka mang poor lost soul ka na naligaw sa blog kong walang structure at order.


this is my happy song. super. 

excited

ako kasi magkikita-kita kami ng mga kaibigan ko sa college. actually hindi lang sila kaibigan. pero hindi ko rin matawag na pamilya eh. kasi hindi na kami kasing-close ngayon tulad ng dati. buti na lang mabait si Chaichai (siya ang mag-aalaga sa batang octopus habang wala ako) so pwede akong lumuwas para makipagkita sa kanila. kasi dumating si JM mula sa greener grass (greener nga ba) of the US of A.

sino ba si JM? hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. kapag naiisip ko siya at ang college days ko sa choir na tinuruan niya, natutuwa ang puso ko. ngumingiti ng slight ang hypothalamus ko dahil bumabalik lahat - rehearsals tuwing sabado, pagkain sa mcdo kahit wala kaming pera, asaran sa daan, concerts and performances. bumabalik sa mga araw na feeling ko nasa ibabaw ako ng bundok, yung feeling na i can take on anything basta magkakasama kami. naaalala ko ang mga panahon na nangangarap pa kaming sumunod sa yapak ng Madz, o kahit maabot man lang namin yung anino ng kalingkingan sa paa ng Madz. sumasaya ako pag naiisip ko ang nakaraan. bata pa kami nun - idealistic, impressionable, medyo gullible. kaso tumanda na kaming lahat. nagkahiwa-hiwalay. alam ko kumakanta pa rin ang lahat - pero kanya-kanya na. wala nang unison, ang hirap nang kumanta as a group. kahit paminsan-minsan nagkikita pa rin kami nina Soy (bespren ko doon), iba na ang pakiramdam. nakakalungkot, pero ganyan talaga ang buhay, kaya shut up na lang ako (pahiram ng linya, Daniel Padilla).

oyun. excited talaga ako. iniisip ko na kung ano'ng pag-uusapan namin. kung saan kami pupunta, ano'ng kakainin namin. pero shet. meron akong 18 articles (na halos tig-iisang libong werds ang kelangan) na dapat matapos by satordey morning, 6am. anggaling ko talaga, dati 19 yan at nakatapos nako ng isa. huwebes na ngayon, can i die myself?

Wednesday, July 6, 2016

eto pala

para maging interesante naman. pero susugal ako kasi ilalagay ko dito ang mga ideya ko para sa Palanca. hindi pa developed ang mga yan. aayusin pa lang.

1. GCEA – playing the ukulele
2. Glass Marbles
3. Payakap naman, Nanay
4. Hilik sa Magdamag
5. Sinangag. Lola waking up at midnight
6. Teks

7. Kayod – ang trabaho ba ay yelo? Kinakayod sabi ni lola, tatay at nanay. Gaya ba ito ng poagkayod ng yelo ni aling Malou, doon sa kanto? Tag-init, ang sarap magswimming. Kung nakatira lang kami malapit sa batis, sana dun ako nakababad araw-araw, sampu ng aking mga kabarkada. Pero nasa konkreto kami. Ang lansangan ang palaruan. At kailangang hintayin ang sweldo sa konstrakshon. Para makapagswimming, kung papalarin, mula sa pagkayod ni itay. Until then I have to wait. Eat haluhalo on a good day, or content myself with ice chips –cracked na tigtatlompiso o ice tubig

8. pasukan. na naman. Ay enrollment pala, nabili na ni nanay halso lahat ng libro. Nagprisinta akong magbalot nito. Para mabawas sa kanyang trabaho. Kauuwi lang nya mula sa pabrika kung san siya nananahi. Kailangan nyang magluto dahil darating na si itay. Madilim na wala na akong kalaro sa labas. Napagtimpla kona ng gatas si bunso, napaghele sa duyan. I have time to read all this panitikan. The smell of new textbooks fills me with exhilaration chuva

9. mongoloid ano bayun? Political correctness. Retarded etc
10. youtube
11. gusto kong magsulat. Magdrowing. Tumugtog. Kumanta – looking back wistfully on what I could have become

12. Ano ba ang tula

13. gusto nyang maging toothbrush

halu-halo. sana malugaran ko ang pag-ayos sa kanila, pang-Palanca. feeling ko naman i can be poetic if i want to. echosera.