Friday, July 8, 2016

waaaahhhh

tinatamad akoooooooo

update:

4 articles done,
15 more to go.

i have 20 hours, pakdatshit.

sus

nasayang na naman ang oras. napagkatihan ko kasing i-customize ang ichura netong blog. ampangit din naman ng labas, har.

dapat kasi mag-a-update lang ako ng post. ngayon di ko na alam tungkol saan ba yung gusto kong isulat kanina. babalik na lang ako pag naalala ko na. lekat.

Thursday, July 7, 2016

eh

tinatamad pa rin akong magsulat...asan na ang Muse ko? lalabas ba siya pag sinayaw ko ito?



eto ang orig, para mas maappreciate mo kung sino ka mang poor lost soul ka na naligaw sa blog kong walang structure at order.


this is my happy song. super. 

excited

ako kasi magkikita-kita kami ng mga kaibigan ko sa college. actually hindi lang sila kaibigan. pero hindi ko rin matawag na pamilya eh. kasi hindi na kami kasing-close ngayon tulad ng dati. buti na lang mabait si Chaichai (siya ang mag-aalaga sa batang octopus habang wala ako) so pwede akong lumuwas para makipagkita sa kanila. kasi dumating si JM mula sa greener grass (greener nga ba) of the US of A.

sino ba si JM? hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. kapag naiisip ko siya at ang college days ko sa choir na tinuruan niya, natutuwa ang puso ko. ngumingiti ng slight ang hypothalamus ko dahil bumabalik lahat - rehearsals tuwing sabado, pagkain sa mcdo kahit wala kaming pera, asaran sa daan, concerts and performances. bumabalik sa mga araw na feeling ko nasa ibabaw ako ng bundok, yung feeling na i can take on anything basta magkakasama kami. naaalala ko ang mga panahon na nangangarap pa kaming sumunod sa yapak ng Madz, o kahit maabot man lang namin yung anino ng kalingkingan sa paa ng Madz. sumasaya ako pag naiisip ko ang nakaraan. bata pa kami nun - idealistic, impressionable, medyo gullible. kaso tumanda na kaming lahat. nagkahiwa-hiwalay. alam ko kumakanta pa rin ang lahat - pero kanya-kanya na. wala nang unison, ang hirap nang kumanta as a group. kahit paminsan-minsan nagkikita pa rin kami nina Soy (bespren ko doon), iba na ang pakiramdam. nakakalungkot, pero ganyan talaga ang buhay, kaya shut up na lang ako (pahiram ng linya, Daniel Padilla).

oyun. excited talaga ako. iniisip ko na kung ano'ng pag-uusapan namin. kung saan kami pupunta, ano'ng kakainin namin. pero shet. meron akong 18 articles (na halos tig-iisang libong werds ang kelangan) na dapat matapos by satordey morning, 6am. anggaling ko talaga, dati 19 yan at nakatapos nako ng isa. huwebes na ngayon, can i die myself?

Wednesday, July 6, 2016

eto pala

para maging interesante naman. pero susugal ako kasi ilalagay ko dito ang mga ideya ko para sa Palanca. hindi pa developed ang mga yan. aayusin pa lang.

1. GCEA – playing the ukulele
2. Glass Marbles
3. Payakap naman, Nanay
4. Hilik sa Magdamag
5. Sinangag. Lola waking up at midnight
6. Teks

7. Kayod – ang trabaho ba ay yelo? Kinakayod sabi ni lola, tatay at nanay. Gaya ba ito ng poagkayod ng yelo ni aling Malou, doon sa kanto? Tag-init, ang sarap magswimming. Kung nakatira lang kami malapit sa batis, sana dun ako nakababad araw-araw, sampu ng aking mga kabarkada. Pero nasa konkreto kami. Ang lansangan ang palaruan. At kailangang hintayin ang sweldo sa konstrakshon. Para makapagswimming, kung papalarin, mula sa pagkayod ni itay. Until then I have to wait. Eat haluhalo on a good day, or content myself with ice chips –cracked na tigtatlompiso o ice tubig

8. pasukan. na naman. Ay enrollment pala, nabili na ni nanay halso lahat ng libro. Nagprisinta akong magbalot nito. Para mabawas sa kanyang trabaho. Kauuwi lang nya mula sa pabrika kung san siya nananahi. Kailangan nyang magluto dahil darating na si itay. Madilim na wala na akong kalaro sa labas. Napagtimpla kona ng gatas si bunso, napaghele sa duyan. I have time to read all this panitikan. The smell of new textbooks fills me with exhilaration chuva

9. mongoloid ano bayun? Political correctness. Retarded etc
10. youtube
11. gusto kong magsulat. Magdrowing. Tumugtog. Kumanta – looking back wistfully on what I could have become

12. Ano ba ang tula

13. gusto nyang maging toothbrush

halu-halo. sana malugaran ko ang pag-ayos sa kanila, pang-Palanca. feeling ko naman i can be poetic if i want to. echosera. 

hey

hey hey. mejo matagal-tagal na pala akong di nakakasulat ditey. oyon, ganun pa rin naman ang kalakaran, pwera na lang na mas marami akong katam ngayon kase dalawa na ang boss ko. gusto kong sabihin ang pangalan nila dito kaso baka makita nila at sabihing, aha! may oras ka para magblog pero dika matapos sa mga asayment mooooo!

ano bang bago? si Octo, pumapasok na sa skul. mejo bawas ang kulit dito sa bahay for two hours, pero kawawa ang teachers nya sa taas ng energy levels nya.

walang kwentang update, di ako makapag-isip. magsusulat na ko ulit.