Thursday, July 7, 2016

excited

ako kasi magkikita-kita kami ng mga kaibigan ko sa college. actually hindi lang sila kaibigan. pero hindi ko rin matawag na pamilya eh. kasi hindi na kami kasing-close ngayon tulad ng dati. buti na lang mabait si Chaichai (siya ang mag-aalaga sa batang octopus habang wala ako) so pwede akong lumuwas para makipagkita sa kanila. kasi dumating si JM mula sa greener grass (greener nga ba) of the US of A.

sino ba si JM? hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. kapag naiisip ko siya at ang college days ko sa choir na tinuruan niya, natutuwa ang puso ko. ngumingiti ng slight ang hypothalamus ko dahil bumabalik lahat - rehearsals tuwing sabado, pagkain sa mcdo kahit wala kaming pera, asaran sa daan, concerts and performances. bumabalik sa mga araw na feeling ko nasa ibabaw ako ng bundok, yung feeling na i can take on anything basta magkakasama kami. naaalala ko ang mga panahon na nangangarap pa kaming sumunod sa yapak ng Madz, o kahit maabot man lang namin yung anino ng kalingkingan sa paa ng Madz. sumasaya ako pag naiisip ko ang nakaraan. bata pa kami nun - idealistic, impressionable, medyo gullible. kaso tumanda na kaming lahat. nagkahiwa-hiwalay. alam ko kumakanta pa rin ang lahat - pero kanya-kanya na. wala nang unison, ang hirap nang kumanta as a group. kahit paminsan-minsan nagkikita pa rin kami nina Soy (bespren ko doon), iba na ang pakiramdam. nakakalungkot, pero ganyan talaga ang buhay, kaya shut up na lang ako (pahiram ng linya, Daniel Padilla).

oyun. excited talaga ako. iniisip ko na kung ano'ng pag-uusapan namin. kung saan kami pupunta, ano'ng kakainin namin. pero shet. meron akong 18 articles (na halos tig-iisang libong werds ang kelangan) na dapat matapos by satordey morning, 6am. anggaling ko talaga, dati 19 yan at nakatapos nako ng isa. huwebes na ngayon, can i die myself?

No comments:

Post a Comment