sa totoo lang, naurat nako sa aking buhay bilang article writer. akala ko noon, keri ko. pero pagkatapos ng mala-factory kong writing stint kay rudibeks, hindi ko kineri. iniwan ko siya for skatberi na nagbayad ng 3x more that rudibeks, pero gusto pala niya ay eventully maging kasapi ako ng website nya na hindi naman masama, pero aykenat because i was only doing it for the money - but isn't that the f*cking point? (shet napapa-ingglesh ako pag galit, sarreh)
eh najinx yata ako ni skatberi, so nang iwan ko siya, naging matumal ang pasok ng pera sa paypal ko (bigay ko sayo paypal address ko kung gusto mo akong bigyan ng pera, just comment your email address here). at nung mga pitumbwan na ang ikalawang junakis sa tiyan ko (yes, may bago na, o di ba?), tinamad na akong tuluyan at hindi na ako nagsulat muli, maliban na lang sa occasional na 100-word website summaries na hinihingi ni alangkun (na natabunan na rin ata ng lupa kasi hindi na nagpaparamdam).
essentially, ang sinasabi ko lang ay: HELP. someone give me a writing gig that pays, and pays well. ilang ulit na rin akong nag-attempt sa isip ko na maging content creator chena, but i just don't have it in me o baka tamad lang talaga ako, potah. kasi naman ang hirap magkaroon ng organic everything - readers, followers, viewers, etc. alam ko pinaghihirapan yun, na kailangan mong mag-stock ng content para maka-gain ng followers, pero wala akong oras. AY JES DOWNT HEB DA PAKING TAYM. walang oras para maghintay, dahil AY NID DA MANI RAYT NOW, TENKYUBERIMATS.
pero sino nga bang makapagsasabi? baka merong mga tao jan na makakabasa nito na natutuwa pala sa mga ganitong kagaguhan, so hit me up. i can write trash like this for you, or i can give you compelling content na pedeng makipagsabayan internesheneli. shempre tama ang spelling ko at maayos ang grammar - hindi naman siguro ako makakapagsulat ng 3 years or more kung obobs ako.
ayun. basta penge ng tarbaho. aykentpramis tu nat bi tamad, bat ay wil du may best, cheret.