walang kawawaang pagmumuni-muni ng isang tamad na article writer sa oh baby, baby it's a wild world ng Interwebs.
Friday, May 20, 2016
hindi
ko kilala si Clive Thompson pero nakita ko tong link na to sa newsletter ni Austin Kleon (na hindi ko rin kilala pero nagsubscribe ako sa newsletter nya kase sabi ko uy anggaling nito ah) tapos clinick ko tapos sabi ko sa sarili ko waw. bakit hindi ako ganito katalino. kilala ko si Sappho oo pero di ko alam na may tula siyang ganyan at naiinggit ako sa mga scientist na nakabasa ng tula nya at sinabing, uy pwede nating ma-deduce kung anong panahon nabuhay si Sappho dahil astronomically specific ang tula nya. waw.
at naiinggit ako kay Clive Thompson kasi angganda nitong sinulat nya tapos may references pa sa ibang tula na nirereference din ang buwan at Pleiades at ako eto nakanganga. waw wala akong masabi ganun.
at naiinggit ako na andae-daeng binabasa ni Austin Kleon para makapagbigay siya ng listahan ng maraming interesanteng bagay na pwedeng basahin ng mga taong nababaog sa inip at nangangailangan ng highly cerebral na stimulation.
at naiinggit ako kay Juan Miguel Severo na halimaw gumawa ng tulang tulad nito (na putangna commercial pala ng gatas pero gusto kong maiyak nung una kong mapanood) at nito (na pangalawa kong napanood dahil yan yung una kong makita nung sinearch ko siya sa youtube at sinearch ko siya dahil sabi ko, uy anggaling naman nito siya kaya ang sumulat nun?). pero naiinis akong nakadikit palagi sakanya ang hashtag na hugot. oo malalim ang pinaghuhugutan nya, pero enough with the hashtags, K?
in short, inggetera ako. kung ieexpand ko, sasabihin kong sana may talent din akong mag-isip at magsulat ng ganyan. na sana may talent akong lumikha ng maraming maraming bagay na makakapukaw din ng interes ng tao. pero heller yung ebook na pinapagawa saken ng boss ko hanggang ngayon din ko pa rin natatapos. hindi naan nakakasuka pero nabobore ako ng sobra. pero wag na nating guluhin. sabihin na lang nating inggetera ako.
baka magsusulat na ako ng marami dito. baka dumalas din ang pagpunta ko dito, lalo na't hinihila ako ng katamaran at hindi na naman makasulat ng articles na pwedeng pambili ng ulam. malamang dito ko na lang ibubuhos ang kawalan ko ng ganang magsulat ng tula o kwentong pambata kahit pinangako ko sa dean namin nung college na mananalo ako ng isang Carlos Palanca Award para sakanya. kung nababasa mo to, Mrs. Flores, gusto kong malaman mong para sa iyo rin ang bagong blog na to.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment