Saturday, May 28, 2016

nasusuka

nako sa kape uwaaaaarrrk. pero kailangang inumin para hindi mag-blur ang utak ko. ampangit ng lasa uwraaaaaak. ampanget din ng aftertaste pwe. pero kailangang magpursige lalo pat hindi pako kumota sa isusulat ko. kinompyut ko eh, ha. dapat within the day makatapos ako ng sampu para mamayang gabi lima na lang. para naman umabot ako sa deadline, for the first time in months. kaso eto si katam, at eto si facebook to provide the great distraction - pero naglog-out nako. eh tamad akong magtype ng password, so. inalis ko na rin ang instagram sa phone ko, and fb messenger at fb app para di nako matuksong hawakan ang phone, pero andun pa rin ang bonza. sayang eh. ayoko na ulitin yung natapos na levels. kaya p*ta, kalma.

nakakatawa si Chaichai. nasa trabahpo siya kanina. nag-usap kami nung break nya, tapos sinabi from out of nowhere, "alam ko may trust issues ka. alam ko hindi mo sinasabi, pero nag-iisip ka. gusto ko lang sabihing wala akong gagawin dito sa trabaho. walang ganun, ok? mahal kita."

san kaya galing yun? magsusulat nako ulit. mayamaya nyan gising na ang batang octopus at pahirapan na naman ang pagsusulat.

Friday, May 27, 2016

tinatamad

na naman ako. wala akong rason para tamarin. i cannot afford to tamad.

not when i have 27 gardemen articles to write. ang breakdown ng deadline:

6 articles - may 24 (kumusta naman, may 27 na ngeyown)
10 articles - may 29
11 articles - may 31

pagod ako. hindi gaanong masakit ang leeg ko ngayon, pero pakiramdam ko mamayang gabi, bibigat na naman ang utak ko.

kailangan ko na talaga ng neck brace, p*nyeta.

so

kanina habang nagbibihis si Chaichai (si Chaichai ang aking love of my life) para makapasok na sa trabaho, sabi ko: "Chai, meron ka bang mabibiling neck brace? bili mo nga ko nun. masyado nang mabigat ang utak ko. masyado na kong maraming alam. hindi na kayang suportahan ng leeg ko yung ulo ko."

"seryoso ka ba jan?"

"ansakit na mashado ng leeg ko. antaba mashado ng utak ko."

"magpapabili ako kay rey, sa carrefour."

walang kwentang post. hayaan na. magtatrabaho na ko ulit.


Monday, May 23, 2016

bakit

ba pinapabayaan nating mamatay ang mga pagkakaibigang minsan nating inakalang walang katapusan? takte, nung college ako at wala pang smartphone at facebook (oo ganun nako ka-ancient), yung kaibigan kong si Arl, tinatawagan pa ako sa landline kahit may long distance charge tuwing weekend pag uuwi siya sa probinsya namin pagkatapos ng isang linggo sa pag-aaral sa siyudad. nagsusulatan din kami nun, pero hindi sa kartero ang daan, pinaaabot lang sa mga kakilala.

ngayon parang hindi na kami magkakilala. ni hindi man namin nila-like ang post ng isa't isa sa facebook (pero para patas, hinid namain kami pareho mashado nagpo-post, pero that's beside the point). parantanga lang.

si Apol na dating tumatakbo sakin kapag kailangan nya ng kausap, parang hindi na rin ako kilala. nung binati ko nung birthday nya last week, sumagot lang ng smiley. nung sinabi kong, "uy angtipid sumagot," sinabihan lang ako ng "thank you for your thoughtfulness."

si Arvin na palagi akong kinukwentuhan ng mga istorya sa buhay nya at abenshur nya sa mga girlets, wala na rin. hindi nga kami magka-facebook eh.

nakakalungkot. diba ang buong point ng facebook eh to connect people? bakit ngayong mas meron nang means, na hindi kailangang bumili ng load, ngayon nawala ang dating closeness? ang weird. nakakapanibago.

ampanget.

Friday, May 20, 2016

hindi


ko kilala si Clive Thompson pero nakita ko tong link na to sa newsletter ni Austin Kleon (na hindi ko rin kilala pero nagsubscribe ako sa newsletter nya kase sabi ko uy anggaling nito ah) tapos clinick ko tapos sabi ko sa sarili ko waw. bakit hindi ako ganito katalino. kilala ko si Sappho oo pero di ko alam na may tula siyang ganyan at naiinggit ako sa mga scientist na nakabasa ng tula nya at sinabing, uy pwede nating ma-deduce kung anong panahon nabuhay si Sappho dahil astronomically specific ang tula nya. waw.

at naiinggit ako kay Clive Thompson kasi angganda nitong sinulat nya tapos may references pa sa ibang tula na nirereference din ang buwan at Pleiades at ako eto nakanganga. waw wala akong masabi ganun.

at naiinggit ako na andae-daeng binabasa ni Austin Kleon para makapagbigay siya ng listahan ng maraming interesanteng bagay na pwedeng basahin ng mga taong nababaog sa inip at nangangailangan ng highly cerebral na stimulation.

at naiinggit ako kay Juan Miguel Severo na halimaw gumawa ng tulang tulad nito (na putangna commercial pala ng gatas pero gusto kong maiyak nung una kong mapanood)  at nito (na pangalawa kong napanood dahil yan yung una kong makita nung sinearch ko siya sa youtube at sinearch ko siya dahil sabi ko, uy anggaling naman nito siya kaya ang sumulat nun?). pero naiinis akong nakadikit palagi sakanya ang hashtag na hugot. oo malalim ang pinaghuhugutan nya, pero enough with the hashtags, K?

in short, inggetera ako. kung ieexpand ko, sasabihin kong sana may talent din akong mag-isip at magsulat ng ganyan. na sana may talent akong lumikha ng maraming maraming bagay na makakapukaw din ng interes ng tao. pero heller yung ebook na pinapagawa saken ng boss ko hanggang ngayon din ko pa rin natatapos. hindi naan nakakasuka pero nabobore ako ng sobra. pero wag na nating guluhin. sabihin na lang nating inggetera ako.

baka magsusulat na ako ng marami dito. baka dumalas din ang pagpunta ko dito, lalo na't hinihila ako ng katamaran at hindi na naman makasulat ng articles na pwedeng pambili ng ulam. malamang dito ko na lang ibubuhos ang kawalan ko ng ganang magsulat ng tula o kwentong pambata kahit pinangako ko sa dean namin nung college na mananalo ako ng isang Carlos Palanca Award para sakanya. kung nababasa mo to, Mrs. Flores, gusto kong malaman mong para sa iyo rin ang bagong blog na to.